Font Size
Exodo 14:23-25
Ang Biblia, 2001
Exodo 14:23-25
Ang Biblia, 2001
23 Humabol ang mga Ehipcio at pumasok na kasunod nila sa gitna ng dagat, lahat ng mga kabayo ng Faraon, ang kanyang mga karwahe, at ang kanyang mga mangangabayo.
24 Sa pagbabantay sa kinaumagahan, tinunghayan ng Panginoon ang hukbo ng mga Ehipcio sa gitna ng haliging apoy at ulap, at niligalig ang hukbo ng mga Ehipcio.
25 Kanyang nilagyan ng bara ang gulong[a] ng kanilang mga karwahe kaya't ang mga iyon ay hirap na hirap sa pag-ikot; kaya't sinabi ng mga Ehipcio, “Takbuhan na natin ang Israel, sapagkat ipinaglalaban sila ng Panginoon laban sa mga Ehipcio.”
Read full chapterFootnotes
- Exodo 14:25 Sa ibang kasulatan ay inalisan ng gulong .