Add parallel Print Page Options

At nasabi sa hari sa Egipto, na ang bayan ay tumakas: at ang puso ni Faraon at ng kaniyang mga lingkod ay nagbago tungkol sa bayan, at kanilang sinabi, Ano itong ating ginawa, na ating pinayaon ang Israel, upang huwag na tayong mapaglingkuran?

At inihanda ni Faraon ang kaniyang karro, at kaniyang ipinagsama ang kaniyang bayan:

At siya'y nagdala ng (A)anim na raang piling karro, at lahat ng mga karro sa Egipto, at ng mga kapitan na namumuno sa lahat ng mga yaon.

Read full chapter