Font Size
Exodo 14:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Exodo 14:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Ang dala niya'y animnaraang pangunahing karwaheng pandigma, kasama rin ang lahat ng karwahe sa buong Egipto; bawat isa'y may sakay na punong kawal. 8 Pinagmatigas ni Yahweh ang Faraon at hinabol nito ang mga Israelita na noo'y buong pagtitiwalang naglalakbay.[a] 9 Hinabol nga sila ng mga Egipcio, ng mga kawal ng Faraon, sakay ng kanilang karwahe. Inabot nila ang mga Israelita, sa tabing dagat, malapit sa Pi Hahirot sa tapat ng Baal-zefon.
Read full chapterFootnotes
- 8 buong pagtitiwalang naglalakbay: o naglalakbay sa pangangalaga ni Yahweh .