Add parallel Print Page Options

29 Tandaan ninyo na akong si Yahweh ang nagtakda sa inyo ng Araw ng Pamamahinga. Kaya, tuwing ikaanim na araw ay binibigyan ko kayo ng pagkain para sa dalawang araw. Sa ikapitong araw ay wala nang lalabas.” 30 At mula noon, nagpapahinga na lamang sila tuwing ikapitong araw.

31 Manna[a] (A) ang itinawag ng mga Israelita sa pagkaing pinupulot nila. Ito'y parang buto ng kulantro, maputi at lasang galyetas na minasa sa pulot.

Read full chapter

Footnotes

  1. Exodo 16:31 MANNA: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “manna” at “ano ito?” ay magkasintunog.