Exodo 16:8-10
Ang Biblia (1978)
8 At sinabi ni Moises, Ito'y mangyayari, pagbibigay ng Panginoon sa inyo sa kinahapunan ng karne na makakain, at sa kinaumagahan ng pagkain, na makabubusog; sapagka't naririnig ng Panginoon ang inyong mga pagupasala na inyong iniuupasala laban sa kaniya: at ano kami? ang inyong mga pagupasala ay hindi laban sa amin, (A)kundi laban sa Panginoon.
9 At (B)sinabi ni Moises kay Aaron, Sabihin mo sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, (C)Lumapit kayo sa harap ng Panginoon; sapagka't kaniyang narinig ang inyong mga pagupasala.
10 At nangyari, pagkapagsalita ni Aaron sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sila'y tumingin sa dakong ilang, at, narito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay (D)lumitaw sa ulap.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978