Add parallel Print Page Options

15 Nang(A) mabalitaan ng Faraon ang bagay na ito, ninais niyang patayin si Moises.

Subalit si Moises ay tumakas mula kay Faraon at nanirahan sa lupain ng Midian. Siya'y umupo sa tabi ng isang balon.

16 Ang pari[a] noon sa Midian ay may pitong anak na babae. Sila'y dumating at umigib ng tubig at kanilang pinuno ang mga inuman upang painumin ang kawan ng kanilang ama.

17 Ang mga pastol ay dumating at sila'y ipinagtabuyan; ngunit si Moises ay tumindig at sila'y ipinagtanggol, at pinainom ang kanilang kawan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Exodo 2:16 o pinuno .