Add parallel Print Page Options

16 Ang pari[a] noon sa Midian ay may pitong anak na babae. Sila'y dumating at umigib ng tubig at kanilang pinuno ang mga inuman upang painumin ang kawan ng kanilang ama.

17 Ang mga pastol ay dumating at sila'y ipinagtabuyan; ngunit si Moises ay tumindig at sila'y ipinagtanggol, at pinainom ang kanilang kawan.

18 Nang sila'y dumating kay Reuel[b] na kanilang ama ay sinabi nito, “Bakit napakadali ninyong dumating ngayon?”

Read full chapter

Footnotes

  1. Exodo 2:16 o pinuno .
  2. Exodo 2:18 o Jetro .