Add parallel Print Page Options

18 Nang sila'y dumating kay Reuel[a] na kanilang ama ay sinabi nito, “Bakit napakadali ninyong dumating ngayon?”

19 Kanilang sinabi, “Iniligtas kami ng isang Ehipcio mula sa kamay ng mga pastol at saka iniigib pa niya kami ng tubig at pinainom ang kawan.”

20 Sinabi niya sa kanyang mga anak, “Saan siya naroon? Bakit ninyo iniwan ang lalaking iyon? Tawagin ninyo siya upang makakain ng tinapay.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Exodo 2:18 o Jetro .