Font Size
Exodo 2:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Exodo 2:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 “Sige, ihanap mo ako,” sagot ng prinsesa. Umalis ang batang babae at tinawag ang mismong ina ng bata. 9 Nang dumating ito, sinabi ng prinsesa, “Alagaan mo ang sanggol na ito at uupahan kita.” Kinuha ng ina ang sanggol at inalagaan. 10 Nang(A) malaki na ang bata, dinala siya ng kanyang ina sa prinsesa, at siya'y itinuring na anak nito. Sinabi niya, “Iniahon ko siya sa tubig, kaya Moises[a] ang ipapangalan ko sa kanya.”
Read full chapterFootnotes
- 10 MOISES: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Moises” at “Iniahon” ay magkasintunog.