Font Size
Exodo 2:9-11
Ang Biblia, 2001
Exodo 2:9-11
Ang Biblia, 2001
9 Sinabi ng anak ng Faraon sa kanya, “Dalhin mo ang batang ito at alagaan mo para sa akin at uupahan kita.” Kaya't kinuha ng babae ang bata at inalagaan ito.
10 Ang(A) bata ay lumaki at kanyang dinala ito sa anak ng Faraon, at ito'y naging kanyang anak. Kanyang pinangalanan siyang Moises,[a] dahil sinabi niya, “Sapagkat aking iniahon siya sa tubig.”
Tumakas si Moises Patungong Midian
11 Nang(B) (C) mga araw na iyon, nang malaki na si Moises, nagtungo siya sa kanyang mga kapatid, at nakita ang kanilang sapilitang paggawa. Kanyang nakita ang isang Ehipcio na binubugbog ang isang Hebreo na isa sa kanyang mga kapatid.
Read full chapterFootnotes
- Exodo 2:10 Sa Hebreo ay Sinagip .