Add parallel Print Page Options

Nang dumating ito, sinabi ng prinsesa, “Alagaan mo ang sanggol na ito at uupahan kita.” Kinuha ng ina ang sanggol at inalagaan. 10 Nang(A) malaki na ang bata, dinala siya ng kanyang ina sa prinsesa, at siya'y itinuring na anak nito. Sinabi niya, “Iniahon ko siya sa tubig, kaya Moises[a] ang ipapangalan ko sa kanya.”

Tumakas si Moises

11 Nang(B) (C) binata na si Moises, dinalaw niya ang kanyang mga kababayan at nakita niya ang hirap na tinitiis ng mga ito dahil sa mabibigat na gawain. Nakita pa niyang sinasaktan ng isang Egipcio ang isang Hebreo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 10 MOISES: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Moises” at “Iniahon” ay magkasintunog.