Add parallel Print Page Options

17 (A)Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa, (B)huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa, ni ang kaniyang aliping lalake o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa.

Ang mga tao ay natakot.

18 At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng pakakak at ang bundok na (C)umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at tumayo sa malayo.

19 At sinabi nila kay Moises, (D)Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa't (E)huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay.

Read full chapter