Font Size
Exodo 21:8-10
Ang Biblia, 2001
Exodo 21:8-10
Ang Biblia, 2001
8 Kung hindi siya kinalugdan ng kanyang amo na umangkin sa kanya bilang asawa, ay kanyang ipapatubos siya; wala siyang karapatang ipagbili siya sa isang dayuhan, yamang siya'y hindi niya pinakitunguhan nang tapat.
9 Kung siya ay itinalaga niya para sa kanyang anak na lalaki, kanyang papakitunguhan siya tulad sa isang malayang anak na babae.
10 Kung siya'y[a] mag-asawa ng iba, ang kanyang[b] pagkain, damit, at karapatan bilang asawa ay hindi niya babawasan.
Read full chapterFootnotes
- Exodo 21:10 o ang amo ay .
- Exodo 21:10 Samakatuwid ay ang unang asawa .