Font Size
Exodo 22:7-9
Ang Biblia (1978)
Exodo 22:7-9
Ang Biblia (1978)
7 Kung ang sinoman ay magpatago sa kaniyang kapuwa ng salapi o pag-aari, at nakawin sa bahay ng taong yaon; (A)kung masumpungan ang magnanakaw, ay magbabayad ng ibayo.
8 Kung hindi masumpungan ang magnanakaw, ay lalapit ang may-ari ng bahay sa (B)Dios, upang maalaman kung hindi niya pinakialaman ang pagaari ng kaniyang kapuwa.
9 Sapagka't lahat ng bagay na pagsalangsang, maging sa baka, sa asno, sa tupa, sa damit, o sa anomang bagay na nawala, na may magsabi, Ito nga ay akin; ay dadalhin sa harap ng Dios ang usap ng dalawa; yaong parurusahan ng Dios ay magbabayad ng ibayo sa kaniyang kapuwa.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978