Font Size
Exodo 22:7-9
Magandang Balita Biblia
Exodo 22:7-9
Magandang Balita Biblia
7 “Kapag ang salapi o anumang ari-arian ng isang tao'y ipinagkatiwala sa kanyang kapwa at ang mga ito'y nawala sa bahay, pagbabayarin nang doble ang kumuha kapag ito'y mahuli. 8 Kung hindi naman mahuli ang nagnakaw, ang pinagkatiwalaan ay panunumpain sa harapan ng Diyos[a] para patunayang wala siyang kinalaman sa pagkawala ng inihabilin sa kanya.
9 “Anumang usapin tungkol sa pang-aangkin ng nawawalang asno, baka, tupa, damit o anumang bagay, ay dadalhin sa harapan ng Diyos.[b] Ang mapatunayang nang-aangkin lamang ay magbabayad nang doble sa tunay na may-ari.
Read full chapterFootnotes
- Exodo 22:8 ng Diyos: o kaya'y ng mga hukom .
- Exodo 22:9 ng Diyos: o kaya'y ng mga hukom .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.