Font Size
Exodo 22:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Exodo 22:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 “Anumang usapin tungkol sa pang-aangkin ng nawawalang asno, baka, tupa, damit o anumang bagay, ay dadalhin sa harapan ng Diyos.[a] Ang mapatunayang nang-aangkin lamang ay magbabayad nang doble sa tunay na may-ari.
10 “Kung mamatay, mapinsala o inagaw ang isang asno, baka, tupa o anumang hayop na paalaga ngunit walang nakakita sa pangyayari, 11 ang nag-aalaga ay manunumpa sa harapan ni Yahweh upang patunayan na wala siyang kinalaman sa pangyayari. Ito'y dapat paniwalaan ng may-ari at wala nang pananagutan ang tagapag-alaga.
Read full chapterFootnotes
- 9 ng Diyos: o kaya'y ng mga hukom .