Add parallel Print Page Options

11 Datapuwa't sa ikapitong taon ay iyong iiwan at babayaan, upang kumain ang dukha sa iyong bayan: at ang kanilang iwan ay kakanin ng hayop sa bukid. Gayon din ang iyong gagawin sa iyong ubasan at sa iyong olibohan.

12 (A)Anim na araw, na iyong gagawin ang iyong gawain, at sa ikapitong araw, ay magpapahinga ka: upang ang iyong baka at ang iyong asno ay makapagpahinga; at ang anak na lalake ng iyong aliping babae, at ang taga ibang lupa ay makapagpahinga.

13 At lahat ng mga bagay na aking sinabi sa inyo ay inyong ingatan: (B)at huwag ninyong banggitin ang pangalan ng ibang dios, o marinig man sa inyong bibig.

Read full chapter