Add parallel Print Page Options

24 (A)Huwag kang yuyukod sa kanilang mga dios, o maglilingkod man sa mga yaon, o gagawa man ng ayon sa kanilang mga gawa, (B)kundi iyong iwawaksi at iyong pagpuputulputulin ang (C)kanilang mga haligi na pinakaalaala.

25 At inyong paglilingkuran ang Panginoon ninyong Dios, (D)at kaniyang babasbasan ang iyong tinapay at ang iyong tubig; (E)at aking aalisin ang sakit sa gitna mo.

26 Walang babaing makukunan, o magiging baog man, sa iyong lupain: (F)ang bilang ng iyong mga araw ay aking lulubusin.

Read full chapter