Font Size
Exodo 23:29-31
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Exodo 23:29-31
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
29 Hindi ko muna sila paaalising lahat sa loob ng isang taon para hindi mapabayaan ang lupain at nang hindi dumami ang mga maiilap na hayop. 30 Unti-unti ko silang paaalisin hanggang sa dumami ang inyong mga anak. 31 Ang magiging hangganan ng inyong lupain ay mula sa Dagat na Pula[a] hanggang sa Dagat Mediteraneo, at mula sa ilang hanggang sa Ilog Eufrates. Ipapalupig ko sa inyo ang mga tagaroon at sila'y inyong palalayasin.
Read full chapterFootnotes
- 31 Dagat na Pula: o kaya'y Dagat ng mga Tambo .