Font Size
Exodo 29:37-39
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Exodo 29:37-39
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
37 Pitong araw kang maghahandog ukol sa kasalanan at pagtatalaga. Pagkatapos, ito'y ituturing na ganap na sagrado at anumang malagay rito ay magiging sagrado.
Ang Paghahandog Araw-araw(A)
38 “Ganito ang gagawin mong paghahandog sa altar araw-araw: kumuha ka ng dalawang tupang isang taon ang gulang at iyong ihandog, 39 isa sa umaga, isa sa hapon.
Read full chapter