Font Size
Exodo 3:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Exodo 3:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
12 “Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan. At ito ang magiging katibayan na ako ang nagsugo sa iyo: sa bundok ding ito sasambahin ninyo ako kapag nailabas mo na sa Egipto ang aking bayan,” sabi ng Diyos.
13 Sinabi(A) ni Moises, “Pupunta ako sa mga Israelita at sasabihin sa kanilang ako'y sinugo ng Diyos ng aming ninuno. Ngunit ano po ang sasabihin ko kung itanong nila kung sino ang nagsugo sa akin?”
14 Sinabi(B) ng Diyos, “Ako'y si Ako Nga.[a] Sabihin mo sa mga Israelita na sinugo ka ng Diyos na ang pangalan ay ‘Ako Nga’.
Read full chapterFootnotes
- 14 AKO NGA: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Yahweh” at “Ako Nga” ay magkasintunog.