Font Size
Exodo 30:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Exodo 30:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Tuwing umaga na aayusin ni Aaron ang ilawan, magsusunog siya rito ng insenso. 8 Ganoon din ang gagawin niya kung gabi kapag inihahanda niya ang ilawan. Patuloy ninyo itong gagawin sa lahat ng inyong salinlahi. 9 Huwag kayong magsusunog dito ng insensong iba sa iniuutos ko. Huwag din kayong magdadala rito ng handog na susunugin, maging hayop, pagkaing butil o inumin.
Read full chapter