Add parallel Print Page Options

Ang pagiingat ng Sabbath.

12 At ang Panginoo'y nagsalita kay Moises, na sinasabi,

13 Salitain mo rin sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, (A)Katotohanang ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath; sapagka't isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, upang inyong makilala na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo.

14 Inyong ipangingilin ang sabbath nga; sapagka't yao'y pangilin sa inyo: bawa't lumapastangan ay walang pagsalang papatayin: sapagka't (B)sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na yaon, ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan.

Read full chapter