Add parallel Print Page Options

10 Ngayo'y (A)bayaan mo nga ako upang ang aking pagiinit ay (B)magalab laban sa kanila, at upang aking lipulin sila: (C)at ikaw ay aking gagawing dakilang bansa.

11 (D)At dumalangin si Moises sa Panginoon niyang Dios, at sinabi, Panginoon, bakit ang iyong pagiinit ay pinapagaalab mo laban sa iyong bayan, na iyong inilabas sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan at ng makapangyarihang kamay?

12 (E)Bakit sasalitain ng mga Egipcio, na sasabihin, Dahil sa kasamaan, inilabas sila upang patayin sila sa mga bundok, at upang lipulin sila sa balat ng lupa? Iurong mo ang iyong mabangis na pagiinit, at (F)pagsisihan mo ang kasamaang ito laban sa iyong bayan.

Read full chapter