Add parallel Print Page Options

19 At nangyari paglapit niya sa kampamento, na kaniyang (A)nakita ang guya at ang sayawan; at ang galit ni Moises ay naginit at kaniyang inihagis ang mga tapyas na nasa kaniyang mga kamay at nangasira sa paanan ng bundok.

20 At kaniyang kinuha ang guya na kanilang ginawa, at sinunog ng apoy, at giniling hanggang sa naging alabok, at isinaboy sa ibabaw ng tubig, at ipinainom sa mga anak ni Israel.

21 At sinabi ni Moises kay Aaron, (B)Anong ginawa ng bayang ito sa iyo, na dinalhan mo sila ng isang malaking sala?

Read full chapter