Font Size
Exodo 34:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Exodo 34:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
18 “Ipagdiwang(A) ninyo ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Tulad ng sinabi ko sa inyo, pitong araw kayong kakain ng tinapay na walang pampaalsa sa unang buwan sapagkat iyon ang buwan ng pag-alis ninyo sa Egipto.
19 “Akin(B) ang lahat ng panganay na lalaki, maging tao o hayop. 20 Ang(C) panganay na asno ay tutubusin ninyo ng tupa. Kung ayaw ninyong palitan, baliin ninyo ang leeg. Tutubusin din ninyo ng tupa ang mga panganay ninyong lalaki. Huwag kayong haharap sa akin nang walang dalang handog.
Read full chapter