Font Size
Exodo 34:28-30
Ang Biblia (1978)
Exodo 34:28-30
Ang Biblia (1978)
28 (A)At siya'y natira doong kasama ng Panginoon, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi man lamang siya kumain ng tinapay, o uminom man ng tubig. (B)At isinulat ng Panginoon sa mga tapyas ang mga salita ng tipan, ang sangpung utos.
Ang mukha ni Moises ay nagliwanag.
29 At nangyari, nang bumaba si Moises sa bundok ng Sinai, (C)na dala ang tapyas na bato ng patotoo sa kamay niya, noong bumaba sa bundok ay hindi nalalaman ni Moises na ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag dahil sa pakikipagusap niya sa Dios.
30 At nang makita ni Aaron at ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises, narito, ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag; at sila'y natakot na lumapit sa kaniya.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978