Font Size
Exodo 34:29-31
Ang Biblia, 2001
Exodo 34:29-31
Ang Biblia, 2001
Nagliwanag ang Mukha ni Moises
29 Nang(A) bumaba si Moises sa bundok ng Sinai, na dala ang dalawang tapyas na bato ng patotoo sa kamay niya habang bumababa siya sa bundok, ay hindi nalalaman ni Moises na ang balat ng kanyang mukha ay nagliliwanag dahil sa pakikipag-usap niya sa Diyos.
30 Nang makita ni Aaron at ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises, ang balat ng kanyang mukha ay nagliliwanag at sila'y natakot na lumapit sa kanya.
31 Ngunit tinawag sila ni Moises; at si Aaron at ang lahat ng matatanda sa Israel ay nagbalik sa kanya at si Moises ay nagsalita sa kanila.
Read full chapter