Font Size
Exodo 35:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Exodo 35:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang mga Kagamitan sa Toldang Tipanan(A)
10 “Tipunin mo ang lahat ng mahuhusay na manggagawa at sila ang pagawin 11 ng tabernakulo, ng tolda at ng mga tabing nito, ng mga kawit at ng mga patayo at pahalang na balangkas, ng mga tukod at ng mga patungan nito. 12 Sila rin ang gagawa ng Kaban ng Tipan at ng mga pasanan nito, gayundin ng Luklukan ng Awa at ng tabing nito.
Read full chapter