Add parallel Print Page Options

36 At si Bezaleel at si Aholiab ay gagawa, at lahat ng matalino na pinagkalooban ng Panginoon ng karunungan at pagkakilala na maalaman kung paanong paggawa ng lahat ng gawa sa paglilingkod sa santuario, ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon.

At tinawag ni Moises si Bezaleel at si Aholiab, at lahat ng marunong na pinagkalooban ng Panginoon ng karunungan sa puso, lahat ng may pusong napukaw na pumaroon sa gawang gagawin:

At kanilang tinanggap kay Moises ang lahat ng handog na dinala ng mga anak ni Israel na magagamit sa gawang paglilingkod sa santuario, upang gawin. At dinalhan pa nila siya ng kusang handog tuwing umaga.

Read full chapter