Font Size
Exodo 37:24-26
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Exodo 37:24-26
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
24 Ang nagamit sa ilawan ay tatlumpu't limang kilong purong ginto.
Ang Paggawa sa Altar na Sunugan ng Insenso(A)
25 Gumawa siya ng altar na sunugan ng insenso. Ito ay yari sa punong akasya. Ito ay parisukat, 0.5 metro ang haba, gayundin ang lapad at 0.9 na metro ang taas. Ang apat na sulok nito ay nilagyan niya ng sungay na kaisang piraso ng altar. 26 Binalutan niya ang ibabaw nito ng purong ginto. Ang mga gilid at ang mga sungay ay binalot din ng ginto.
Read full chapter