Add parallel Print Page Options

16 At siya ang makikipagusap sa lagay mo sa bayan: at mangyayari na siya'y magiging sa iyo'y bibig, (A)at ikaw ay magiging sa kaniya'y parang Dios.

17 At tatangnan mo sa iyong kamay (B)ang tungkod na ito, na iyong ipaggagawa ng mga tanda.

Nagbalik si Moises sa Egipto.

18 At si Moises ay yumaon, at bumalik kay Jethro na kaniyang biyanan, at nagsabi sa kaniya, Pahintulutan mo akong yumaon, isinasamo ko sa iyo, at bumalik sa aking mga kapatid na nasa Egipto, at titingnan ko, kung sila'y nabubuhay pa. At sinabi ni Jethro kay Moises, Yumaon kang payapa.

Read full chapter