Exodo 7:19-21
Ang Biblia (1978)
19 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo kay Aaron, Kunin mo ang iyong tungkod, (A)at iunat mo ang iyong kamay sa tubig sa Egipto, sa kanilang mga ilog, sa kanilang mga bangbang, at sa kanilang mga lawa at sa lahat nilang tipunan ng tubig, upang mga maging dugo; at magkakadugo sa buong lupain ng Egipto, maging sa mga sisidlang kahoy at maging sa mga sisidlang bato.
Ang tubig ay naging dugo.
20 At ginawang gayon ni Moises at ni Aaron, gaya ng iniutos ng Panginoon; at kaniyang itinaas ang tungkod, at pinalo ang tubig, na nasa ilog, sa paningin ni Faraon, at sa paningin ng kaniyang mga lingkod; (B)at ang lahat ng tubig, na nasa ilog ay naging dugo.
21 At ang isda, na nasa tubig ay namatay; at ang ilog ay bumaho (C)at ang mga Egipcio ay hindi makainom ng tubig sa ilog; at nagkadugo sa buong lupain ng Egipto.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978