Add parallel Print Page Options

29 At sinabi ni Moises sa kaniya, Pagkalabas ko sa bayan, ay aking (A)ilalahad ang aking mga kamay sa Panginoon; at ang mga kulog ay titigil, at hindi na magkakaroon pa ng anomang granizo; upang iyong maalaman na ang lupa'y (B)sa Panginoon.

30 Nguni't tungkol sa iyo at sa iyong mga lingkod, ay (C)nalalaman ko, na di pa kayo matatakot sa Panginoong Dios.

31 At ang lino at ang cebada ay nasaktan; sapagka't ang cebada ay naguuhay na at ang lino ay namumulaklak na.

Read full chapter