Add parallel Print Page Options

18 Kaya pinaliko sila ng Dios sa disyerto papunta sa Dagat na Pula.[a] Armado ang mga Israelita para sa labanan nang lisanin nila ang Egipto.

19 Dinala ni Moises ang mga buto ni Jose, ayon sa ipinanumpa noon ni Jose na gagawin ng mga Israelita. Sinabi noon ni Jose, “Siguradong palalayain kayo ng Dios. Kapag nangyari na iyon, dalhin ninyo ang mga buto ko sa pag-alis ninyo sa lugar na ito.”

20 Pag-alis nila sa Sucot, nagkampo sila sa Etam, sa dulo ng disyerto.

Read full chapter

Footnotes

  1. 13:18 Dagat na Pula: o, Dagat ng mga Tambo.