Add parallel Print Page Options

2-3 Pinauwi noon ni Moises kay Jetro na kanyang biyenan ang asawa niyang si Zipora at ang dalawang anak nilang lalaki. Ang pangalan ng panganay ay Gershom,[a] dahil nang ipinanganak siya, sinabi ni Moises, “Dayuhan ako sa ibang lupain.” Ang pangalan ng pangalawa ay Eliezer,[b] dahil nang ipinanganak siya, sinabi ni Moises, “Ang Dios ng aking ama[c] ang tumutulong sa akin. Iniligtas niya ako sa espada ng Faraon.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 18:2-3 Gershom: Ang ibig sabihin, dayuhan doon.
  2. 18:4 Eliezer: Ang ibig sabihin, Ang Dios ang tumutulong sa akin.
  3. 18:4 ama: o, ninuno.