Font Size
Exodus 2:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Exodus 2:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
10 Nang lumaki na ang sanggol, dinala siya ng kanyang ina sa prinsesa at itinuring siya ng prinsesa bilang tunay niyang anak. Pinangalanan ng prinsesa ang bata na Moises,[a] dahil sinabi niya, “Kinuha ko siya sa tubig.”
Tumakas si Moises Papuntang Midian
11 Isang araw, nang binata na si Moises, pumunta siya sa mga kadugo niya at nakita niya kung paano sila pinapahirapan. Nakita niya ang isang Egipcio na hinahagupit ang isang Hebreo na kadugo niya. 12 Luminga-linga si Moises sa paligid kung may nakatingin. At nang wala siyang nakita, pinatay niya ang Egipcio at ibinaon ang bangkay sa buhangin.
Read full chapterFootnotes
- 2:10 Moises: Maaaring ang ibig sabihin, kinuha.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®