Add parallel Print Page Options

16 Ngayon, dumating naman ang pitong anak na babae ng pari ng Midian para umigib at painumoin ang mga alagang hayop ng kanilang ama. 17 May dumating doon na mga pastol at pinapaalis nila ang mga babae at ang kanilang mga hayop, pero tinulungan ni Moises ang mga babaeng anak ng pari at pinainom pa niya ang mga alaga nilang hayop.

18 Pag-uwi ng mga babae sa ama nilang si Reuel,[a] tinanong niya sila, “Bakit parang napaaga ang pag-uwi nʼyo?”

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:18 Reuel: Ito ang isa pang pangalan ni Jetro. Tingnan sa 3:1.