Add parallel Print Page Options

18 Pag-uwi ng mga babae sa ama nilang si Reuel,[a] tinanong niya sila, “Bakit parang napaaga ang pag-uwi nʼyo?”

19 Sumagot sila, “May isang Egipcio po na tumulong sa amin laban sa mga pastol. Ipinag-igib niya kami ng tubig at pinainom ang aming mga hayop.”

20 Nagtanong ang kanilang ama, “Nasaan na siya? Bakit ninyo siya iniwan? Tawagin ninyo siya at anyayahang kumain.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:18 Reuel: Ito ang isa pang pangalan ni Jetro. Tingnan sa 3:1.