Add parallel Print Page Options

16 Si Aaron ang magsasalita sa mga tao para sa iyo. Turuan mo siya ng mga sasabihin niya na parang ikaw ang Dios. 17 Dalhin mo ang baston mo para sa pamamagitan nito ay makagawa ka ng mga himala.”

Bumalik si Moises sa Egipto

18 Bumalik si Moises sa biyenan niyang si Jetro at sinabi sa kanya, “Payagan po ninyo akong bumalik sa mga kababayan ko sa Egipto para tingnan kung buhay pa sila.”

Sinabi ni Jetro, “Sige, maging maayos sana ang paglalakbay mo.”

Read full chapter