Add parallel Print Page Options

At mula (A)sa gitna niyao'y nanggaling ang kahawig ng apat na nilalang na may buhay. At ito ang kanilang anyo, Sila'y nakawangis ng isang tao;

At bawa't isa ay may apat na mukha, at bawa't isa sa kanila ay may apat na pakpak.

At ang kanilang mga paa ay mga matuwid na paa; at ang talampakan ng kanilang mga paa ay parang talampakan ng paa ng isang guya; at sila'y nagsisikinang (B)na parang kulay ng tansong binuli.

At sila'y may mga kamay ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak (C)sa kanilang apat na tagiliran; at silang apat ay may kanilang mga mukha, at may kanilang mga pakpak na ganito:

Ang kanilang mga pakpak ay nagkakadaitan; sila'y (D)hindi nagsisipihit nang sila'y yumaon; yumaon bawa't isa sa kanila na patuloy.

10 Tungkol sa anyo ng kanilang mga mukha, sila'y may mukhang tao; at silang apat ay may mukha ng leon sa kanang tagiliran; at silang apat ay may mukha ng baka sa kaliwang tagiliran; silang apat ay may mukha rin ng aguila.

Read full chapter