Add parallel Print Page Options

Ang Magkapatid na Makasalanan

23 Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,

“Anak ng tao, may dalawang babae na mga anak na babae ng isang ina;

sila'y naging bayarang babae[a] sa Ehipto. Sila'y naging bayarang babae[b] sa panahon ng kanilang kabataan; doo'y pinisil ang kanilang mga suso at hinipo ang suso ng kanilang pagkadalaga.

Ang pangalan ng nakatatanda ay Ohola[c] at si Oholiba[d] ang kapatid niya. Sila'y naging akin at nanganak ng mga lalaki at babae. At tungkol sa kanilang mga pangalan, si Ohola ay ang Samaria, at si Oholiba ay ang Jerusalem.

“Si Ohola ay naging bayarang babae[e] nang siya'y akin; at siya'y umibig sa kanyang mga mangingibig na mga taga-Asiria,

mga mandirigma na may damit na kulay ube, mga tagapamahala at mga pinuno, silang lahat ay mga binatang makikisig, mga mangangabayo na nakasakay sa mga kabayo.

Ipinagkaloob niya sa kanila ang kanyang pagiging bayarang babae,[f] sa kanilang lahat na mga piling lalaki sa Asiria. Dinungisan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng lahat ng diyus-diyosan ng mga taong kanyang kinahumalingan.

Hindi niya iniwan ang kanyang pagiging bayarang babae[g] na kanyang ginawa mula pa sa mga araw niya sa Ehipto, sapagkat sa kanyang kabataan, sila'y sumiping sa kanya at hinawakan nila ang suso ng kanyang pagkadalaga; at kanilang ibinuhos ang kanilang kahalayan sa kanya.

Kaya't ibinigay ko siya sa kamay ng kanyang mga mangingibig, sa kamay ng mga taga-Asiria, na siya niyang kinahumalingan.

10 Ang mga ito ang naglantad ng kanyang kahubaran. Kinuha nila ang kanyang mga anak na lalaki at babae at siya'y pinatay nila ng tabak. Siya'y naging tampulan ng paghamak sa mga babae nang ilapat sa kanya ang hatol.

Read full chapter

Footnotes

  1. Ezekiel 23:3 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .
  2. Ezekiel 23:3 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw
  3. Ezekiel 23:4 Tabernakulo niya .
  4. Ezekiel 23:4 Tabernakulo ko sa kanya .
  5. Ezekiel 23:5 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .
  6. Ezekiel 23:7 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .
  7. Ezekiel 23:8 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .