Add parallel Print Page Options

At ako'y tumingin, at, narito, (A)isang unos na hangin ay (B)lumabas na mula sa hilagaan, na isang malaking ulap, na may isang apoy na naglilikom sa sarili, at isang ningning sa palibot, at mula sa gitna niyao'y may parang metal na nagbabaga, mula sa gitna ng apoy.

At mula (C)sa gitna niyao'y nanggaling ang kahawig ng apat na nilalang na may buhay. At ito ang kanilang anyo, Sila'y nakawangis ng isang tao;

At bawa't isa ay may apat na mukha, at bawa't isa sa kanila ay may apat na pakpak.

Read full chapter