Ezekiel 12:2-4
Ang Biblia, 2001
2 “Anak(A) ng tao, ikaw ay naninirahan sa gitna ng isang mapaghimagsik na sambahayan na may mga mata upang makakita, ngunit hindi nakakakita; na may mga tainga upang makarinig, ngunit hindi makarinig; sapagkat sila'y isang mapaghimagsik na sambahayan.
3 Dahil dito, anak ng tao, maghanda ka ng dala-dalahan ng bihag. Habang maliwanag pa ang araw ay pumunta ka sa pagkabihag na nakikita nila. Ikaw ay lalakad na gaya ng bihag mula sa iyong lugar hanggang sa ibang lugar na nakikita nila. Baka sakaling kanilang maunawaan ito, bagaman sila'y isang mapaghimagsik na sambahayan.
4 Ilalabas mo ang iyong dala-dalahan kapag araw na nakikita nila, bilang dala-dalahan sa pagkabihag. Ikaw ay lalabas sa hapon na kanilang nakikita na gaya ng mga tao na dapat tumungo sa pagkabihag.
Read full chapter