Font Size
Ezekiel 12:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 12:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Samantalang maliwanag pa, maghanda ka ng iyong dala-dalahan nang nakikita nila at kinagabihan ay maglalakad kang parang manlalakbay. 5 Pagkatapos, bumutas ka sa pader at doon ka magdaan. 6 Pasanin mo ang iyong dala-dalahan at lumakad kang nakikita nila. Magtakip ka ng mukha para hindi mo makita ang lupain pag-alis mo pagkat ikaw ang gagawin kong pinakababala sa mga Israelita.”
Read full chapter