Font Size
Ezekiel 13:15-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 13:15-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
15 Ang matinding galit ko'y ibubuhos ko sa pader na iyon at sa mga nagtapal niyon. Pagkatapos, sasabihin kong wala na ang pader pati ang mga nagtapal niyon. 16 Ang mga nagtapal ng pader ay ang mga propeta ng Israel na nagsabing maayos ang lahat sa Jerusalem ngunit kabaligtaran ang nangyari.” Ito ang sabi ng Panginoong Yahweh.
Ang Pahayag Laban sa mga Babaing Bulaang Propeta
17 Ang sabi ni Yahweh, “Ngayon, Ezekiel, magpahayag ka laban sa mga kababayan mong babae na nagpahayag ayon sa kanilang sariling isipan.
Read full chapter