Font Size
Ezekiel 13:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 13:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Bayang Israel, ang iyong mga propeta ay parang mga alamid sa mga pook ng lagim. 5 Hindi nila ginawa ang sirang bahagi ng pader ng sambahayan ni Israel para ito'y manatiling nakatayo sa araw ni Yahweh. 6 Pawang kasinungalingan ang ipinahayag nila. Ang pahayag nila'y, ‘Sinasabi ni Yahweh,’ kahit hindi ko sila sinusugo. Sa kabila noon, inaasam nilang pangyayarihin ko ang kanilang ipinahayag.
Read full chapter