Font Size
Ezekiel 16:30-32
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 16:30-32
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
30 “Naging talamak na ang iyong kasamaan! Nagawa mo ang mga bagay na itong angkop lamang gawin ng isang babaing makapal na ang mukha dahil sa kasamaan. 31 Nagpatayo ka ng nakaarkong altar sa mga panulukan ng daan at ng mataas na tayuan sa bawat plasa. At masahol ka pa sa babaing bayaran sapagkat kung minsa'y ikaw pa ang nagbabayad sa umaangkin sa iyong kagandahan. 32 O babaing mangangalunya, mas gusto mo pang pasiping sa iba kaysa iyong asawa.
Read full chapter