Add parallel Print Page Options

31 Sa iyong pagtatayo ng iyong matayog na dako (A)sa bukana ng bawa't daan, at ginagawa mo ang iyong mataas na dako sa bawa't lansangan; at hindi ka naging gaya ng isang patutot sa iyong pagwawalang kabuluhan ng upa.

32 Isang babae na napakakalunya! na tumatanggap sa iba na kahalili ng kaniyang asawa!

33 Sila'y nagbibigay ng mga kaloob sa lahat ng mga patutot: nguni't (B)ikaw ay nagbibigay ng iyong mga kaloob sa lahat na mangliligaw sa iyo, at iyong sinusuhulan sila, upang sila'y magsilapit sa iyo sa bawa't dako, dahil sa iyong mga pakikiapid.

Read full chapter