Add parallel Print Page Options

Ang kahulugan ng mga aguila at baging.

11 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi:

12 Sabihin mo nga sa mapanghimagsik na sangbahayan, Hindi baga ninyo nalalaman ang kahulugan ng mga bagay na ito? saysayin mo sa kanila, Narito, (A)ang hari sa Babilonia ay dumating sa Jerusalem, at kinuha ang hari niyaon, at ang mga prinsipe niyaon, at dinala niya sa Babilonia.

13 (B)At siya'y kumuha sa lahing hari, at nakipagtipan siya sa kaniya: (C)isinailalim din niya siya sa panunumpa, at dinala (D)ang mga dakila sa lupain;

Read full chapter